Weather Report Philippines 29 February 2012 Climate Forecast


Forecast:
Extreme Northern and Eastern Luzon, Eastern Visayas and Mindanao will experience mostly cloudy skies with scattered rainshowers and thunderstorms. The rest of the country will have partly cloudy to cloudy skies with isolated rainshowers or thunderstorms.
Moderate to strong winds blowing from the East will prevail over the Eastern section of the country and the coastal waters along these areas will be moderate to rough. Elsewhere, winds will be light to moderate coming from the East to Northeast with slight to moderate seas.

In local Language:
Ang Kalakhang Maynila ay magkakaroon ng bahagya hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog. Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa Silangan ang iiral at ang Look ng Maynila ay magiging banayad hanggang sa katamtaman ang pag-alon. Ang tinatayang agwat ng temperatura ay mula 23 hanggang 33 antas ng celsius (73°F hanggang 91ºF).
Ang Dulong Hilaga at Silangang Luzon, Silangang Kabisayaan at Mindanao ay makakaranas ng madalas na maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog. Ang natitirang bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagya hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.
Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa Silangan ang iiral sa Silangang bahagi ng bansa at ang mga baybaying dagat sa mga lugar na ito ay magiging katamataman hanggang sa maalon. Sa ibang dako, ang hangin ay mahina hanggang sa katamtaman mula naman sa Silangan hanggang Hilagang-silangan na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan.

No comments: